Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jomari Yllana Abby Viduya

Jomari, Abby ikinasal na sa Las Vegas

IKINASAL na sina Jomari Yllana at Abby Viduya noong Linggo, November 5 sa A Little White Chapel sa Las Vegas, Nevada.

Sa Facebook post ng manager nina Abby at Jom na si Nestor Cuartero, ibinalita nito ang ukol sa naganap na pagpapalitan ng ‘I do’ ng dalawa  sa A Little White Chapel sa Las Vegas, Nevada. Ang chapel na ito ay siya ring pinagkasalan ng Hollywood celebrities na sina Ben Affleck at Jennifer Lopez.

Kasama sa mga nag-witness sa kasal nina Jom at Abby ang anak ng aktor kay Aiko Melendez na si Andre Yllana at ilan pang malalapit na kaibigan ng dalawa.

Sa 2024 o 2025 ay muling magpapakasal ang dalawa rito sa Pilipinas. At ang kanilang honeymoon ay after pa ng Pasko.

“We wanted Vegas, actually it’s funny kasi ang gusto namin ang magkakasal sa amin si Elvis. Kasi Jom used to say to me, ‘Can’t help falling in love with you.’ It’s going to be very simple lang. It’s just a few family members. Sa honeymoon, we were discussing either Paris or in Jerusalem,” ani Abby sa isang panayam sa kanila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …