SOBRANG naging abala ng ilang linggo si US Immigration Atty Marlene F. Gonzalez sa naging pagbisita niya sa Maynila kamakailan. Doo’y tinuruan, binigyan niya ng tulong, at ipinalam sa mga Filipino kung paano magtrabaho at manirahan sa United States.
Ang pangunahing focus ng Filipina-American Attorney ay ang pagbibigay ng impormasyon sa mga Filipinong gustong magpunta sa US maging ito ay bilang isang turista, Nurse, student o unskilled worker. Nagsimula ang kanyang pagbisita sa Pilipinas sa isang matagumpay na 3-day trade expo sa Megatrade Hall noong Setyembre 29, 2023. Nagbigay siya ng free consultation sa mga kababayang gustong magtanong tungkol sa kung paano magiging matagumpay sa pag-a-aplay ng US visa, sa mga petition ng mga kaanak, at sa mga may problema sa US Immigration.
Nagsagawa rin siya ng Immigration Seminar noong Oktubre 7, 2023 na nakipagpulong siya sa mga Nurse at negosyante na gustong maghanap ng mas magandang buhay sa US.
Ang mga pagsisikap ni Atty. Marlene na tulungan at turuan lalo na ang mga inaabusong Filipino sa US ay naging malakas at malinaw nang makapanayam sa Open for Business ng NET25. Regular din siyang guest sa morning program ng network, ang Kada Umaga. Makikita siya sa nasabing program kada Biyernes.
Maaring makontak si Atty. Marlene online. Puntahan lamang siya sa kanyang website, ang www.us-journey.com para makausap ang abogada.