Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Paulo Avelino Jane de Leon

Jane gustong pang palawigin kaalaman sa pag-arte, wish makatrabaho si Paulo

MA at PA
ni Rommel Placente

SI Paulo Avelino ang ultimate showbiz crush ni Jane de Leon. Kaya naman gusto niyang makatrabaho ang aktor. 

Sabi ni Jane, “Ito po kasi talaga, muntik na muntik ko na siyang makatrabaho. Crush ko kasi talaga siya si Paulo Avelino. Alam niya ‘yon.

“Kasi given na ‘yung may looks siya, kaya ko siya nagustuhan kasi napakagaling niyang artista.

‘Yun ‘yung reason kung bakit gusto ko rin siyang makatrabaho. Hindi lang porke crush ko siya, siyempre hinahangaan, magaling kasi siyang artista.

“Parang kinakain ako ng upuan. Ahhh, Jane, trabaho lang,” ang napapangiting sabi pa ng dalaga.

Samantala, naibahagi rin ni Jane ang kanyang dream role. 

“Marami. Siyempre hindi naman matatapos lahat sa ‘Darna.’ Sinasabi ko nga kay Lord, baka ito pa lang ang umpisa, ganyan. Marami, eh.

“Alam mo ‘yung ‘Split,’ ‘yung iba-iba ‘yung mga personality. I want to try that gusto ko ma-challenge ang sarili ko.

“Then other than gusto ko rin makapapag-explore out of the country kasi I really love my craft so much.

“Pumasok naman ako rito not just for the fame or for money but of course I really love my craft,” sabi pa ng aktres.

At sa tanong kung ano ang expectation niya sa kanyang buhay at career five years from now.  “A successful lady, ‘yun talaga. But siyempre may plan pa rin si Lord for me. So no matter what kung ano man ‘yon, alam ko na may ibibigay Siya sa aking lesson to grow,” paliwanag pa ni Jane.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …