MA at PA
ni Rommel Placente
SA guesting ni Nadia Montenegro sa YouTube Channel ng anak niyang si Ynna Asistio, ikinompara niya ang sitwasyon nilang mga artista noong sila ay young stars pa, sa sitwasyon ng mga young star ngayon.
Si Nadia ay nagsimulang mag-artista noong kabataan niya, 80s, at naging Regal baby siya. Ilan sa kasabayan niya ay sina Gretchen Barretto at Richard Gomez.
Sabi ni Nadia, “Like what I say to every actor that I meet, especially sa young generation ngayon, napaka-blessed ninyo, napaka-blessed nilang lahat.”
Noong panahon daw nila, mas mahirap ang kalagayan ng mga artista. Hindi uso noon ang aircon, tent, silya sa set. Kanya-kanyang folding bed at puwesto ang mga artista noon.
“Even our workshop was not a joke. Kasi noong araw, kailangan marunong kang kumanta, sumayaw, mag-host, umarte, maglakad, humarap sa tao. Hindi tulad ngayon.
“The ‘80s, ‘70s, ‘60s stars deserve much more respect in this industry than we’re getting now. Just because, kasi now, alam mo, dami naki-create na mga monster, spoiled brats. Maraming spoiled brats na artista na akala mo. Hija, hijo, chill ka lang. Hindi ‘yan ang dulo, dinadaan ka lang diyan. Find your real destiny,” ani Nadia.
Maipagmamalaki naman ni Nadia na kaya aktibo pa rin ang kanyang showbiz career, na nabibigyan pa rin ng trabaho sa kabila ng maraming taon niya na sa industriya, ay dahil hindi siya pasaway. Kumbaga, marunong siyang makisama sa lahat ng nakakatrabaho niya, marespeto, at friendly.
“I was never ashamed to introduce myself, being humble, and introducing yourself, being polite, and respectful to everyone.
“I realized being friendly is such a blessing. Being nice to everyone,” aniya pa.