Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bong Revilla

Birthday party ni Bong pinutakti ng mga politiko at artista

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

BONGGA ang birthday celebration ni Sen Bong Revilla sa Grand Ballroonm ng Okada Casino Hotel. Punompuno ng tao from the political at showbiz world na ginagalawan ni Bong for so many years plus mga personal friends. Maski ang top executives ng GMA 7 at ABS-CBN ay in attendance at full of praises sa celebrators. Nagpapakita lamang na maraming nagmamahal sa kanya. 

Sa nasabing celebration ay maraming Kapuso artists ang nagbigay ng kani-kanilang number sa programang inihanda ng kabiyak na si Cong. Lani Mercado. Ang inaasahan naming surprise sa nasabing pagdiriwang ay ang Pangulong Bongbong Marcos at ang butihing asawa nitong si First Lady Liza Araneta Marcos. Pero no show at sigurado akong may naunang natanguang apointment. Malapit na magkaibigan sina Bong at PBBM. 

Humabol naman ang pinsan ng pangulo na si Speaker Martin Romualdez. Halos lahat ng senador natin ay in attendance gayundin ang mga kongresista.

Si Sen. Manny Pacquiao ay dumalo rin at as usual ay pinagkaguluhan ng mga bisita para magpa-picture. Very gracious naman ang Pambansang Kamao na mapagbigyan ang lahat. Ganyan kabait ang Philippine pride at kahit pagod na ay nakangiti pa rin.

Halos 12 midnight na nag-umpisang umuwi ang mga bisita. Napakasaya ng party at satisfied naman lahat sa pagkaing inihanda ng Okada Casino Hotel.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …