MATABIL
ni John Fontanilla
MULA sa pagiging movie producer, pinasok na rin ni Atty. Ferdinand Topacio ng Borracho Films ang pagkakaroon ng talent management via Borrat-Borracho Artists and Talent Management.
Last Sept. 13 ay nagkaroon ito ng go-see para sa first batch ng magiging in house artists. Ang mga mapipili ay makakasama sa 20 movies na gagawin ng Borracho Films na dalawa rito ay ang Pain at One Dinner a Week with Edu Manzano as lead actor.
Layunin ni Atty. Topacio na makapag-prodyus ng magagandang pelikula na kapupulutang-aral ng mga manonood.
Target ipalabas ni Atty. Topacio ang kanyang mga gagawing pelikula sa international like China, Taiwan, HongKong atbp..
Aang Borracho Films ang nag-prodyus ng mga pelikulang Mamasapano na nanalo ng limang award sa 2022 Metro Manila Film Festival at Deception na balik tambalan naman nina Mark Anthony Fernandez at Claudine Barretto.