Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bugoy Carino EJ Laure Ronnie Alonte Loisa Andalio

Ronnie Alonte na-pressure nang mag-propose si Bugoy kay EJ

MA at PA
ni Rommel Placente

ENGAGED na si Bugoy Carino sa live-in partner niyang si EJ Laure. Noong mismong birthday ng young actor, September 3, na kanyang debut (21 years old), nang mag-propose siya sa volleyball star.

Sa tanong namin kay Bugoy kung kailan nila planong magpakasal ni EJ ngayong engaged na, ang sagot niya, “Hindi ko pa po alam. Siguro, next, next year. Pinagpaplanuhan na namin

And ayun, sobrang thankful nagawa ko ‘yung proposal, isinabay ko pa noong birthday ko.

“So ayun, masaya naman. Basta pinagpaplanuhan na namin. Sana hindi maulan para lahat ng imbitahan namin makapunta.”

Church wedding ang gusto ni Bugoy.

Matagal niya bang pinagplanuhan ang proposal kay EJ?

Actually, three months bago ako mag-debut,” sagot ni Bugoy.

Parang naisip ko na..actually hindi ko po naisip,pinag-pray ko, eh.

“Sabi ko, ‘Lord bigyan mo ako ng sign’  Ayun, binigyan naman ako ni Lord ng sign, na may  magsasabi sa akin na magpo-propose ako, na kaibigan ko. Eh may nagsabi, siguro mga tatlo o lima sila. So ayun na ‘yung sign,” kuwento pa niya.

May mga kaibigang celebrites si Bugoy na kukunin niyang abay sa kasal nila ni EJ.

Kasi, like noong proposal ko, ‘yung mga Hashtags (ang all-male group na kasali si Bugoy na ngayon ay buwag na) nandoon. Tapos ‘yung mga iba pang artista na close ko, nandoon din. So ayun, sure ako na may kukunin akong mga abay sa kanila.

“’Yung iba, ayaw mag-ninong, gusto lang nila abay,” natatawang sabi pa niya.

Sa grupo nilang Hashtags, si Bugoy ang pinakabata. Pero naunahan niya pang magpakasal ang ibang kagrupo like Ronnie Alonte na matagal na ang relasyon kay Loisa Andallo.

Kaya nga po noong nag-propose ako, noong debut ko, na-pressure sila. Sabi  nga sa akin ni Loisa, ‘Uy, pinressure mo naman si kuya Ronnie mo? Ikaw nag-propose na, siya hindi pa,” natatawa ulit na sabi ni Bugoy.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …