MA at PA
ni Rommel Placente
AMINADO si Ricky Davao na may panghihinayang din on his part nang magdesisyon sila ng dating asawang si Jackie Lou Blanco na maghiwalay na.
Ayon sa veteran actor-director, wala naman talaga sa plano niya ang masira ang kanilang pagsasama ni Jackie Lou at lalong hindi niya ginusto ang magkaroon ng broken family.
Aniya, marami rin siyang regrets sa breakup nila noon at totoong may mga “what if” din siya kung hindi sila naghiwalay ng aktres hanggang sa dumating din ang araw na kailangan na rin niyang mag-move on.
Sabi ni Ricky sa interview sa kanya ng Marites University, “Ganoon naman talaga, eh. May pagkakamali, may hindi pagkakasunduan and noong nangyari ‘yun, of course, may epekto sa mga bata.
“Pero naka-move on na naman na kami, okay naman lahat.
“Hindi ko naman pinlano na magkaroon ng, ang tawag ba roon broken family o separated? Wala sa plano ‘yun eh.
“Wala sa idea ‘yun, pero nangyari. So you just have to work on it, live with it, move on,” aniya pa.