Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dragon Lady Amor Virata

Tindi ng style ng mga preso sa Bilibid

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

KALAPATI at condom ang ginagamit ngayon para sa pagpuslit kaya napatunaya at natuklasan ni Bureau of Corrections (BuCor) Chief Guillermo Catapang, Jr., na hindi pa drug free ang Muntinlupa Bilibid Prison.

Ayon kay Catapang, nag-aalaga ng mga kalapati ang mga preso bilang bagong pamamaraan. Ang mga dalaw ay may mga bitbit na itlog ng kalapati at i-incubate ito at pagkalipas ng ilang buwan ay mapipisa ang itlog at aalagaan ng mga preso at tuturuan na palipad-lipad ng paikot-ikot. At sa muling pagdalaw ng mga bisita na nagbitbit ng itlog ay ibibigay ang kalapati na natuto nang bumalik sa kanilang pugad na gawa ng mga preso.

Sa condom naman ay ilalagay sa puerta ng babae na ginamit nila. Hindi naman puwedeng halungkatin ang puerta ng babae, ayon kay Catapang at baka kasuhan sila sa Commission on Human Rights (CHR).

Ang tindi talaga sa Bilibid, lahat ay gagawin makapuslit lang ang mga ilegal na droga tulad ng shabu.

Tricycle fare sa Pasay overpriced

Kakaiba talaga ang taas ng pasahe sa mga traysikel sa Pasay, bawat sakay P50 na minsan mas mahal pa ang pasahe kaysa binili.

Sa Parañaque City naman, marami nga kayong pasahero P12 naman bawat isa ang bayad, e anim na pasahero isang takbo papuntang City Hall kaya P72 isang takbo.

Walang discount kahit senior citizen!

Aba! Ang jeep nga may discount, ano ba ‘yan!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …