PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
Uy, nakakaiyak namang tunay ang naging Friday edition (August 18) ng Mini Ms U sa It’s Showtime.
Napaiyak nga ng wagas ng isang batang kalahok (Yuri from Tondo) sina Meme Vice Ganda at Vhong Navarro,gayundin ang iba pang hosts at live audience.
Until it went viral at kahit pala ang mga taga-abroad ay sobra ring naging emosyonal that time.
Marami ang naawa kay Meme Vice dahil ramdam mo ang ‘anxiety’ nito and yet nagta-try pa ring magpasaya at magparamdam ng katiwasayan.
Marami naman ang humanga sa bagets na si Yuri dahil at six years old, tunay namang nagpakita ito ng katalinuhan, pagiging ismarte at emosyon na mature sa kanyang edad.
May tsika kaming nasagap na gumagawa pala ng movie si Meme intended for the Metro Manila Film Festival (MMFF) na sure kaming may presence ng mga batang kanyang tinatawag na mga anak ngayon.