Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gela Atayde

Gela Atayde pinasok na rin pag-aartista; nakipagbardagulan ng akting kay Sylvia

MA at PA
ni Rommel Placente

BONGGA ang dance group ni  Gela Atayde ang Legit Status. Ito kasi ang itinanghal na Grand Champion sa MegaCrew Division ng World Hip Hop Dance Championship, na ginanap sa Phoenix, Arizona noong August 6, 2023. Tinalo nila ang 54 na ibang dance groups, mula sa iba’t ibang bansa.

From all the sleepless training nights, missed events, injuries, failures, heartaches, and doubts to the great runs, good laughs, happy tears, great memories, and this championship. This is the hardest thing I’ve ever had to go through in my life so far, but I am so grateful for how it turned out,” sabi ni Gela.

Ang kuya ni Gela na si Arjo Atayde ang kanyang main inspiration para pasukin ang pagsasayaw. Isa kasing mahusay na dancer si Arjo.

Gaya ng kanyang mommy Sylvia Sanchez,kuya Arjo, at ate Ria, pinasok na rin ni Gela ang pag-aartista.

Isa siya sa bida ng Senior High, the highly anticipated TV series produced by ABS-CBN and Dreamscape.  

Ang ilan pa sa cast nito ay sina Andrea Brillantes, Elijah Canlas, Zaijan Jaranilla, Xyriel Manabat, at JK Labajo. Kasama rin dito si Sylvia, na gumaganap bilang lady guard, at ang best friend ni Gela na si Kyle Echarri.

Natutuwa si Gela na sa first series niya ay kasama at katrabaho niya ang kanyang mommy Sylvia. At very supportive ang award-winning actress sa desisyon niyang subukan na rin ang kapalaran sa showbiz.

Siya po ‘yung isang tao na nagsabi sa akin na ‘kaya mo ‘yan ‘nak. Kaya mo ‘yan ‘nak!

“The best advice that my mom gave me, I guess was..she always reminded me, she always told me, na gamitin ko ang puso ko in everything that I do. And for as long as I use my heart, I will succeed.

“Especially in acting. Kasi naman si mom ko, puso naman laging ginagamit niya, with all the roles she does,” anang magandang dalaga.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …