MA at PA
ni Rommel Placente
SOBRANG close pala si Coun. Alfred Vargas sa kanyang nakababatang kapatid na si Cong. PM Vargas. Ang huli nga ang itinuturing na bestfriend ng una.
Sabi ni Alfred, “He’s my bestfriend. He’s the person na nakakakilala sa akin as a human being. Aside from my wife, of course, siya talaga ‘yon.”
Naikuwento ni Alfred na bagamat nakaririwasa na sila ngayon sa buhay ni PM, dumanas naman ng hirap sa buhay ang kanilang pamilya, pero lumaki naman silang maayos.
Pagbabalik-tanaw ni Alfred, “Dinaanan namin lahat ‘yan together, so mayroon kaming conscious effort na ‘wag na sanang madaanan ng pamilya namin ngayon ‘yung dinaanan ng pamilya namin dati.
“There was a time when we we’re kids, when we were studying, may nakahain na rice sa dinner table, pero hinihintay lang namin ang mommy namin na dumating.
“Kasi, hinihintay namin ang ulam. Pero ‘yung pambili ng ulam, inutang lang din niya sa office niya.
Dagdag niya, “There was a time, sa Sta. Maria, Bulacan, nagbebenta kami ng gagamba. Nanghuhuli kami. Panlaban.
“Kapag sa kaibigan namin, ibinebenta namin na piso isa. Pero kapag sa Ateneo na, PHP20 na.”
Pero sa kabila ng naranasan nilang hirap, ipinagpapasalamat nila ang kanilang pinagdaanan.
“We learned how to work hard and to reach for our dreams, for our goal.
“Akala namin noong matanda na kami, okay na. Pero, isa sa pinakamalaking dagok sa buhay namin noong mawala ang parents namin… 2011 and 2014.
“Kapag nawalan ka pala ng magulang, parang nawalan ka ng malaking parte ng buhay mo,” malungkot pa na sabi ni Alfred.