Thursday , June 4 2026
James Reid Liza Soberano Jeffrey Oh

James, Liza tahimik sa pagkakahuli ng kanilang business partner

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

WALA pa ring anumang pahayag o reaksiyon sina James Reid at Liza Soberano sa isyu ng pagkakahuli at pagka-detain ni Jeffrey Oh.

Ito ‘yung business partner ni James sa Careless Entertainment na tumatayong presidente si James, habang CEO si Jeffrey at siya ring sinasabing manager ni Liza.

Sa naiulat na balita, hinuli at na-detain si Oh dahil sa wala itong maipakitang mga papeles tungkol sa naturang business at bilang isang banyaga ay may mga legal din itong obligasyon na hindi nagawa.

Kasama ang tatay ni James sa mga nagsampa ng reklamo and as of this writing ay wala pang balita kung naka-detain pa rin si Oh (dahil hindi pinapayagang mag-bail) o napaalis na ito ng bansa?

Ang nababalitaan namin lately ay ang mga collab projects nina James at Liza sa ilang Korean celebrities.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …