PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
HAPPY birthday sa mahal naming patnugot, Mareng Maricris!
Grabe man ang pinsalang naidulot ni bagyong Egay, as usual ay tuloy-tuloy pa rin ang buhay.
Naganap na nga ang bonggang kasalan nina Maine Mendoza at Cong. Arjo Atayde sa Baguio City last July 28.
Marami man ang stranded, nahirapang umakyat at sinagupa ang malakas na ulan, hangin at mga pagbaha, nakisaya ang mga kapwa artista, celebrities from other sectors at mga kapamilya ng newly wed couple.
Despite the warning and pakiusap ng both families na huwag mag-post sa socmed ng mga larawan o video ng kasal, mayroong mga pasaway na ginawa pa rin ang pag-post.
Ayon sa aming mga nakausap, hindi nga lahat ng mga imbitado ay pinapunta sa simbahan dahil bawal nga ang mag-over crowd. ‘Yung iba ay nakuntento na lang na sa venue ng reception pumunta, habang may ilan na bumati lang at umalis din dahil na rin sa hindi pa gaanong magandang weather plus iniiwasan nga ang sobrang pagdagsa ng mga tao.
Well, ang importante ay ikinasal na sina Maine at Arjo. Hindi agad sila makakapag-honeymoon dahil may mga commitment pang tatapusin ang dalawa respectively.