Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pokwang Lee Min Ho

Pokwang respeto ang unang-unang nawala kaya nakipaghiwalay kay Lee

MA at PA
ni Rommel Placente

SA panayam ni Luis Manzano kay Pokwang, na mapapanood sa kanyang YouTube channel, tinanong ng una ang huli  kung ano ang naging senyales nito para makipaghiwalay matapos sa ilang taong pagsasama nila ni Lee O’Brian?

Sagot ni Pokwang, “Wala nang respeto, ‘yun. Nararamdaman ko na na parang, ‘ah, ok. Hangin? Ito ako o.’ So, wala nang respect. Kaya nanggigigil akong gamit na gamit ‘yung salitang respect kasi kung mayroon ka talaga niyon, hindi tayo aabot dito.

“Huwag nating i-overuse ‘yung salitang respect kasi ngayon ang daling sabihing ‘I love you’, ‘I respect you’. No, ‘wag nating i-overuse ‘yung mga word na ‘yan kasi galing kay God ‘yan eh. Ino-overuse natin ‘yan tapos hindi naman natin ginagawa.”

Follow-up question ni Luis kay Pokwang, kung sinubukan pa ba nitong ayusin ang relasyon kay Lee o kung bigla na lang silang naghiwalay ng landas?

“Ganito kasi, may negosyong involved and before that, may mga nakikita na rin kasi akong red flags pero pinabayaan ko lang,” sagot ng aktres.

Kaya minsan natatawa ako roon sa mga sinasabing ‘kaya ka iniwan kasi bungangera ka’. Excuse me, hindi nga ako marunong mag-English eh. Hindi ko nga alam paano ie-express sa kanya ‘yung mga word.

“Kung paano ko sasabihin sa kanya ‘yung nararamdaman ko kasi kulang nga po ako sa English. So nagkaroon kami ng language barrier. Ang nangyari na lang sa akin, ‘yung boom. Sumabog na lang. Napuno na,” pagpapatuloy pa niya.

Sa dulo ng kanilang pag-uusap, sinabi ni Luis kay Pokwang, na  dasal niya na sana ay dumating din ang panahon na kapag nagsama silang ulit ni Lee, ay maramdaman nitong masaya na muli ang komedyana.

Hindi man tayo magka-text palagi. Hindi man tayo constant communication, I will always be here for you and your family, Mama Poks,” ani Luis.

Matapos nito ay kinuha ng mister ni Jessy Mendiola ang kanyang cellphone at sinabing may picture siya ni Lee sabay tanong kung anong masasabi ni Pokwang sa dating karelasyon.

Wala sa usapan natin ‘yan, Luis. Wala sa usapan natin ‘yan,” sey ni Pokwang sabay tabig ng cellphone ni Luis at walk-out sa kanilang set.

Pero bumalik din si Pokwang at nagbigay mensahe kay Lee.

Unang-una, sensya ka na kasi iba ‘yung culture mo, iba ‘yung culture ko. May mga pagtatalo tayo na ang hirap ipaliwanag because of language barrier. Pasensya ka na rin kung… tinry ko namang ipaglaban. Ginawa ko lahat ng best ko para manatili kung anong mayroon tayo. I did my best but I guess my best wasn’t good enough, ‘ika nga,” umpisa nito.

Pagpapatuloy ni Pokwang, “Pero gusto ko lang malaman mo na kung nasaan ka man ngayon, I hope you are happy and ingat ka lagi. Hindi mo basta-basta maaalis ‘yun, siyempre mahal pa rin kita kaya lang mayroon akong kailangang gawin para sa ikaliligaya ng sarili ko. It’s about time na maging happy na rin ako and ‘yung mga taong nasa paligid ko na apektado na rin sa mga pangyayari. Gusto ko na rin na maging masaya sila.”

Ang Lee na binigyang mensahe ni Pokwang ay ang Korean superstar na si Lee Min Ho.

Natatawang sey ni Luis, “Thank you very much sa pagbibigay mensahe kay Lee Min Ho. Ano bang akala n’yo? Si Lee Min Ho pinag-uusapan namin.”

Nakatutuwa ang interview ni Luis kay Pokwang, ‘di ba? Hahahah!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …