MATABIL
ni John Fontanilla
MAY mensahe ang dating Manila Mayor at Eat Bulaga host na si Yorme Isko Moreno kina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon.
Ayon kay Yorme Isko, “To Tito Sen, Vic, and Joey and their Dabarkads, congratulations sa inyo. Masaya kami, may bago na kayong tahanan.
“Masaya kami kasi marami nang pagpipilian ang tao. At least ang noontime show ngayon para ng buffet. Marami ka ng choices.
“So, taos-puso, sampu ng aming mga kasama, staff, production, the management, TAPE Inc., we warmly welcome and congratulate Tito, Vic and Joey. Congratulations po sa inyo.
“Ngayon naman, kami rito nila Paolo sampu ng aming mga kasama, sa mga viewer namin, in our own little way, in a different way, in a different manner, we will try to make your afternoon full of joy and hope.
“Dahil ang gusto namin, araw-araw sa tanghalian, kasama niyo kami, ang ‘Eat Bulaga.’ Tulong at saya ang handog namin sa inyo.”
Inihalintulad ni Yorme Isko sa isang buffet ang pagkakaroon ng tatlong noontime show, na mas maraming choices ang manonood.
Pero sa kanilang show (Eat Bulaga) ay mga manonood ang panalo at hindi mga host.
At tinanggap niya ang pagiging host ng Eat Bulaga dahil hatid ng show ang pagtulong at pagbibigay-saya sa ating mga kababayan.