MA at PA
ni Rommel Placente
MAPAYAT ngayon si Billy Crawford at aware siya na pinagdududahan siya ng iba na gumagamit ng drugs kaya nagkaganoon ang kanyang pangangatawan.
Pero depensa ni Billy ayon sa interview sa kanya ng Pep.ph. “Ang daming nagsasabi na ‘adik’ or whatever.
“Una sa lahat, it’s unfair para sabihin sa isang tao kung sino sila and I don’t do drugs.
“Pangalawa, I stopped alcohol for the past six years.”
Aminado naman si Billy na madalas siyang umiinon noon.
“Alcoholic po ako noon, and yes, kaya ho ako nag-230 pounds. Hindi ho healthy ‘yon.
“So I started to lose weight from that time. Tumigil talaga akong mag-alchohol at tuloy-tuloy lang siya, hindi na ako bumalik sa alcohol. As in, zero alcohol.
“Hindi na ako nagyoyosi, wala akong bisyo.”
Sa patuloy niyang pagpayat, ito ba ay personal o intensiyonal na kagustuhan niya?
“Actually, simula nong nag-‘Dancing With The Stars.’”
Ang Dancing With The Stars o Danse Avec Les Stars ang dancing competition sa France na pinagwagian ni Billy at ang kapareha niya, nong November 2022.
“And alam niyo, actually, paulit-ulit. Paulit-ulit akong nagpapaliwanag kasi sobrang dami ng nagsasalita on my behalf.”
Sinabi pa ni Billy na mula noon ay naging consistent na siya sa kanyang healthy lifestyle.
“Ngayon I’m super, super healthy. I couldn’t ask for more.
“Siguro kung alcoholic pa ako, baka patay na ako,” aniya pa.