Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ricci Rivero Parents

Ricci ‘di natiis pambabastos sa kanyang mga magulang

MA at PA
ni Rommel Placente

DAHIL nadadamay na ang kanyang mga magulang sa nangyaring break-up nila ni Andrea Brillantes, nagdesisyon si Ricci Rivero na magsalita sa Fast Talk With Boy Abunda noong Lunes ng hapon, June 26.

Sabi ni Ricci, “Umabot na po sa point na ‘yung parents ko po, nasisigawan na sa mall o sa public areas, ‘Yung anak niyo cheater!'” 

Ani Ricci, kung siya kayang tanggapin ang masasakit na sinasabi ng ibang tao laban sa kanya, nasasaktan siya kapag nadadamay na ang kanyang pamilya.

Kung ako kaya kong tanggapin, kasi alam ko naman na hindi totoo.

“Pero kapag sa family ko, siguro it’s time to step up and kailangan ko silang protektahan sa mga issue na mayroon. Ako, okay lang, pero huwag ‘yung pamilya ko.”

Ikinuwento ni Ricci kung kailan sila naghiwalay ni Andrea.

April 2023 we took a break off from each other, tapos ‘yung breakup was first week of May talaga.

“Marami na rin po kaming sinusubukang ayusin na problema.

“Ang cause ng breakup, ‘yung speculations na kumakalat sa social media na may nakita siyang girl doon sa place ko.

“Pero ilang beses po naman naming pinag-usapan ito. Sobrang daming beses.

“Sinabi ko sa kanya with all the evidences I have, na hindi sa akin ‘yung girl. May papuntang friend ako ng midnight tapos hindi ko naman alam na may kasama siya. 

“’Yun ang inabutan niya [Andrea].”

Naayos naman ang problema sa kina Ricci at Andrea dahil napagtanto ng young actress na mali ang kanyang hinala. Kahit hiwalay na, nagkikita at nag-uusap pa rin  sila ni Andrea.

Nagkikita pa rin kasi maayos talaga ‘yung break up namin. Naiintindihan niya. Alam niya na hindi ko ginawa ‘yung sa break up lang.”

Sa pagkaka-link niya kay Laguna Councilor Leren Bautista, sinabi ni Ricci na wala siyang gusto roon at hindi niya iyon nililigawan.

Tungkol naman sa sinasabi ng iba, lalo na ang mga tagahanga ni Andrea na ginamit lamang niya ang dalaga, ayon kay Ricci, wala  iyong katotohanan.

Sa akin po, kung ginamit ko po siya, marami naman pong offers ‘yung ABS-CBN, interviews with her, shows with her. And simula po noong naging kami, never akong nag-yes.

“Kasi ayoko naman po na parang i-connect ‘yung trabaho sa personal relationship. Sa akin, sobrang genuine lang ang lahat.

“Wala sa isip ko ‘yung mga ganyan kasi parang minsan lang akong mag-girlfriend, bakit sa ganyang paraan ko gagawin?” paglalahad pa ni Ricci.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …