MATABIL
ni John Fontanilla
EXCITED ang singer na si Christi Fider sa rami ng proyektong gagawin niya ngayong taon. Bukod sa kanyang mga awitin, sasabak na rin ito sa pag-arte, na sa gagawin niyang pelikula ay makakasama sina Nora Aunor at Manila Vice Mayor Yul Servo.
Ayon kay Christi sa mediacon na ginanap sa Music Box, Timog Quezon City last June 11, “’Yung movie will be directed by Jay Altarejos and then ‘yung series will be directed by Cris Pablo.
“’Yung series I think may negotiation with Netflix tapos ‘yung movie pang mainstream.
” Actually noong ibinigay sa akin ni Direk Jay ‘yung script ‘di ko alam na kasama ako sa film. Tapos noong ini-release ko ‘yung trailer niyong isa kung song, parang nag- comment siya ng, ‘I have a role for you.’ Tapos sinend niya ‘yung script and I fell in love with the script kasi sabi ko kaya ko ba itong gawin?
“Kasi very diffrent, sobrang iba talaga. Sobrang magugulat kayo, parang ako may kissing scene ganoon. Eh hindi ako ganoon, so very challenging. ‘Yun ‘yung gusto ko, ‘yung hindi niyo makikita roon sa role. So very excited ako, feeling ko marami akong matututunan,” sabi ni Christi.
Aminado ang PMPC’s 13th Star Awards for Music’ Best New Female Recording Artist na kabado siya na makakatrabaho si Ate Guy. “Siyempre sino bang hindi? Siyempre si Ate Guy ‘yun, sobrang idol ko ‘yun. Iniisip ko na lang na kaysa kabahan ako, kailangan ko galingan para one take lang ako. Nakahihiya naman kung uulitin namin ‘yung scene because of me ‘di ba? Kailangan I give ko more than 100%.”
At para paghandaan ang pagsasama nila ni Ate Guy ay sumailalim ito ng acting workshop.
“‘Yung role ko roon medyo sexy, hindi ganoon ka-sexy pero ganoon. So sobrang diet ko talaga ngayon at the same time nag-acting workshop ako para mabigyan ko ng justice ‘yung role. Kahit big stars ‘yung kasama ko mabigyan mo ng justice ‘yung role”
Bukod kay Ate Gay, makakasama rin nito sa movie si Yul. Habang isang series (documentary) din ang gagawin nito na nakatakdang ipalabas sa Netflix.