Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angelica Panganiban

Angelika pinag-iisipan pagbalik sa pag-arte

MA at PA
ni Rommel Placente

INAMIN ni Angelica Panganiban na  hindi  pa siya handang bumalik sa showbiz.

Kamakailan ay ipinagdiwang ng couple, Angelica at Gregg Homan, ang isang taon ng pagiging vlogger.

At sa pamamagitan ng kanilang latest question and answer video na ibinandera sa YouTube, ay sinagot na ng aktres ang tanong ng fans kung kailan siya babalik sa pag-arte.

Ayon kay Angelica, inaantay lang niyang mag-isang taong gulang ang kanyang anak at doon niya pag-iisipan kung tatanggap pa siya ng mga proyekto.

“Pwede ko siyang pag-isipan after mag-September, after mag-one year ni Bean,” sey ni Angelica.

Paliwanag niya, “Kasi roon medyo less guilt na siguro ‘yung pagtigil ko sa pagpapadede.

“Pwede na akong magbasa ng scripts, tumanggap ng offers. Kasi ngayon, nakapila lang sila, but hindi ko pa binubuksan ‘yung pintuan – meaning hindi ako nagbabasa ng script,” chika pa niya.

Nabanggit din ni Angelica na kahit may mga alok nang offers sa kanya ay hindi pa niya ito tinitingnan dahil ayaw niyang matuksong bumalik agad sa trabaho.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …