Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Paolo Contis, LJ Reyes, Aki Avelino, Summer Contis

Paolo gustong makausap si LJ para madalaw si Summer

MA at PA
ni Rommel Placente

SA interview ni Paolo Contis kay Nelson Canlas, inamin niya na araw-araw nami-miss ang anak niya kay LJ Reyes, si Summer.

Sabi ni Paolo,”They don’t believe me, I don’t care, but that’s how I feel. I miss Summer every day, I really do.

“I have videos of her. I always watch them every time I wake up. I look at pictures all the time.” 

Hiling ng aktor na maging maayos na ang lahat sa kanila ng dating asawa, at para madalas na niyang makasama ang kanyang anak.

Kapag sabihin na natin napatawad ako at mas magaan na ‘yung mga bagay-bagay, I hope we can get to talk and kumbaga come to an agreement na makita ko si Summer and you know at least talk to her regularly.”

Sabi pa ni Paolo, pwede naman niya puntahan sa United States ang anak, pero siyempre nais pa niyang humingi ng permiso kay LJ.

Una sa lahat pupunta ko sa isang lugar na una, mahal, mahal puntahan ‘di ba, hindi naman to mamanehuhin mo lang at ‘pag hindi pala okay babalik ka lang, hindi. Siyempre marami kang kino-consider ‘di ba? So of course I wanna be sure.

“At saka ako naniniwala ako, respeto rin sa kanila. Ayokong nambibigla, ‘di ba? Hindi puwedeng ‘nandito ko’ ganyan, respeto mo ‘yon sa kanya, respeto ko sa nanay niya who na nandoon din,” dagdag pa niya.

Gusto ko nang pumunta ako, mayroong approval kasi ayoko rin ng gulo, ayokong mabigla sila, ayokong maguluhan sila roon.

“I believe it takes time, I know her it will really take time, especially sa nangyari rin sa amin hindi rin naman simple ‘di ba, so naniniwala ako it will take time,” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …