Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ellen Adarna Isabel Santos John Lloyd Cruz

Ellen nakilala na ang GF ni John Lloyd

PERSONAL nang nagkita at nagkakilala sina Ellen Adarna at ang nababalitang girlfriend ni John Lloyd Cruz na si Isabel Santos.

Ibinahagi ni Ellen ang pagkikita nila ni Isabel nang makatsika namin ito sa inauguration at ribbon-cutting ng Shinagawa Diagnostic and Preventive Care Center sa BGC, Taguig City noong April 26. Sina Ellen at Sanya Lopez ang mga endorser ng Shinagawa.

Ani Ellen, ilang beses na rin niyang na-meet ang sinasabing GF ngayon ni John Lloyd na si Isabel, na isang artist at apo ng yumaong painter, illustrator, at cartoonist na si Mauro “Malang” Santos

Sinabi rin ni Ellen na maayos din ang usapan nila ni Lloydie para sa pag-aalaga at pagpapalaki sa kanilang four-year-old son na si Elias Modesto Cruz.

“Yes, just ‘hi, hello, ’di ba, sinusundo ni John Lloyd si Elias? ‘Pag sinusundo ni John Lloyd, then I’ll bring him to the car and then she was there. We say ‘hi, hello.’ I acknowledge them,” ani Ellen. 

Wish ni Ellen na maging maganda ang relasyon nina John Lloyd at Isabel para na rin sa anak na si Elias.

Be happy for them? Yes, of course, kasi makikita ‘yan ni Elias, eh.

“Sana naman happy and harmonious din ang relationship nila kasi magiging standard ‘yan na this is the loving family, loving couple or mother and father should be like,” aniya.

Ukol naman sa co-parenting arrangement nila ng aktor, “Yeah, he has 12 days a month with him. I’m fair, I’m very fair.”

Natanong din si Ellen kung okay ba sa kanya ang blended family na pwede nilang makasama ni Derek Ramsaysina John Lloyd at Isabel sa mga special occasion sa buhay ni Elias.

At this point, not yet. Wala pa namang events, let’s say ‘di pa nag-i-school si Elias. Birthday? Hiwalay ‘yung celebrations. But hopefully that day will come, yes, someday. In time,”  diretsahang sagot ni Ellen.

Sa kabilang banda ngayong taon naman balak magka-baby nina  Ellen at Derek, anang aktres, “Yeah, this year, this year na. Well, sana girl para tapos na ang boxing, kasi we both have boy and we only want one na lang.

“I always wanted a girl, but whatever, basta healthy,” ani Ellen.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Im Perfect

Video ng mga bida ng I’m Perfect viral sa social media 

MATABILni John Fontanilla PATOK na patok sa social media ang mga nakatutuwa at nakai-inspire na …