Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dingdong Dantes

Dingdong sa pagpasok sa politika — It takes much sacrifice para ma-achieve ‘yan

MA at PA
ni Rommel Placente

SA mga interview noon ni Dingdong Dantes ay lagi siyang natatanong kung may plano ba siyang pasukin ang politika.  Kilala rin kasi ang aktor bilang isang philantrophist.

Sa guesting ni Dingdong sa Fast Talk With Boy Abunda, napag-usapan din dito ang tungkol sa pagpasok niya sa politika.

Tanong sa kanya ni Kuya Boy Abunda, “Laging may usapan na papasok si Dong sa politika, pero hindi naman natutuloy. What is your story?”

Sabi ni Dingdong, “We recognize na iba-iba naman ang paraan natin ng pagpapakita nito.

“Ako, gusto ko po aminin na may panahon na I really thought na sana may [opportunity] for me to do more for the Filipino people over and beyond my work here in the industry.”

Alam daw ni Dingdong na malaking responsibilidad ang pagiging isang public servant, kaya’t hindi pa siya dumarating sa punto na desidido siyang pasukin ito.

Never umabot pa sa punto na sinabi kong, ‘Sige, gagawin ko to.’

“It’s because I have high regards for public office, especially kapag sinabing public office, ibig sabihin, ayun dapat ang topmost priority.

“With that recognition, alam ko na hindi siya ganoon kadali.

“I recognize that it’s not that easy, it will require much of your time, energy, love, your passion, yourself.

“It takes much sacrifice para ma-achieve ‘yan.”

Nais ni Dingdong na ituon ngayon ang atensiyon sa kanyang pamilya lalo’t higit sa dalawa niyang anak na sina Ziaat Sixto.

Isang bagay ang malinaw sa akin ngayon that I have multiple roles to fulfill—literally and figuratively.

“Because I want to be the best father to my children, I want to be the best husband to Marian (Rivera), be a good son, and responsible member of this beautiful industry, while striving to be a good citizen every day,” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …