Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Winwyn Marquez Alden Richards

Winwyn nilinaw relasyong naudlot nila ni Alden

MA at PA
ni Rommel Placente

SA guesting ni Winwyn Marquez sa Fast Talk With Boy Abunda noong Miyerkoles, kinuha ni Kuya Boy Abunda ang panig ng aktres/beauty queen tungkol sa naging pahayag ni Alden Richards noon, nang mag-guest din ito sa nasabing talk show, na muntik silang nagkaroon ng relasyon.

Diretsahang tanong ni Kuya Boy kay Winwyn, “Noong dumalaw sa amin dito si Alden, na-mention niya na muntik na kayong maging magkarelasyon. What’s the story?”

Sagot ni Winwyn: “Alam mo, Tito Boy, kasi I saw the clip, ang dami kasing nag-tag sa akin and all. Tama naman ‘yung sinabi ni Alden na dahil sa work.

“Pero there’s really not much to talk about outside that I consider him as a really good friend.”

Sundot na tanong sa kanya ni Boy, “So, ‘yung muntik, tama ‘yon?”

Sa puntong ito, ipinaliwanag ng aktres na hindi siya sigurado sa kanyang isasagot dahil hindi rin naman niya alam ang tunay na motibo sa kanya ni Alden noon.

“’Yung muntik, hindi ko kasi alam kung nanligaw ba talaga siya.

“Kasi si Alden… I don’t know if may misunderstanding or anything, kasi he’s really kind, malambing siya, mabait siya.

“I feel like he is like that to everyone, sobrang bait kasi niya.”

Hindi rin daw nabanggit sa usapan nila noon na may plano palang manligaw sa kanya si Alden.

“We can talk about anything under the sun.

“So, I just felt that he was really good friend.”

Tanong ulit ni Kuya Boy, “Wala talaga ‘yung deliberate na, halimbawa, bulaklak o dumalaw sa bahay?”

“Wala naman pong ganon. Wala, wala po talaga,” nakangiting sagot ni Winwyn.

Ayon pa sa anak nina Alma Moreno at Joey Marquez, nang mapanood niya ang naging pahayag ni Alden tungkol sa kanilang nakaraan ay wala naman siyang masamang naging reaksiyon.

Sa katunayan, proud na proud siya kay Alden sa lahat ng success at achievement na nakamit nito.

Aniya, “Wala naman po, kasi tapos na, eh.

“I don’t want to go back and dwell in the past because kahit anong sabihin natin, I’m so proud of him.

“I’m so proud of his success.

“Seeing a friend na ginawa niya talaga ‘yung gusto niyang gawin, I would support him all the way. We remain good friends.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …