Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jane de Leon Angel Aquino

Jane hanga sa tapang, talento, at ugali ni Angel Aquino

MA at PA
ni Rommel Placente

SA panayam ni Darla Sauler kay Jane de Leon sa Kumu, tinanong ng una ang huli kung sino ang una nitong naiisip kapag napag-uusapan ang women empowerment.

Ang sagot ni Jane ay si Angel Aquino.

Ibang klase raw kasi ang tapang, talento, at ugali ni Angel na kino-consider niya bilang isa sa mga talagang empowered women sa entertainment industry.

Sabi ni Jane, “Si Ms. Angel Aquino, she’s like a mother-ate and bestfriend to me. Si Ms. A kasi ang sarap niyang kasama kasi hindi siya nagdya-judge ng ibang tao,” papuri ng dalaga sa award-winning aktres na hindi tumatanda kahit nadadagdagan ng edad.

Patuloy pa niya, “‘Yung nagustuhan ko sa kanya nili-lift up niya lagi ‘yung mga kasama niya, mga co-artist niya at tinutulungan niya lagi and isa ako roon that’s why I’m really blessed. Up until now mayroon pa rin kaming communication.

“Sobrang humble niya talaga at hindi mo mararamdaman na may ere siya, sobrang bait niya talaga. Nanay siya for me, eh.”

Ang isa pa sa hinahangaan ni Jane sa pagiging matapang at palaban ay ang co-star niya rati sa Darna na si Janella Salvador na gumanap bilang Valentina. Aniya, ibang klase ring babae ang celebrity mom.

Sabi niya patungkol kay Janella, “I really do love her because of being a strong person and despite of everything na nangyari rin sa kanya, naging mother siya and ‘yung kanyang ex-lover, nakita ko ‘yung progress niya, eh kung paano siya naging strong woman.” 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …