Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vice Ganda Kuya Kim Atienza

Kuya Kim nakiusap, sagutan nila ni Vice Ganda ‘wag palakihin

MA at PA
ni Rommel Placente

NAGPASARING noon si Vice Ganda kay Kim Atienza sa show nilang It’s Showtime noong ni-like nito ang ilang tweets ng ilang netizens na tinawag siyang bully, main star diva, at laitera.

Nag-ugat ito sa pambabara umano ni Vice kay Karylle sa February 2, 2023 episode ng nasabing noontime show.

Hindi nagustuhan ng fans ni Karylle ang pananabla ni Vice, at noong araw ding iyon ay umamin si Vice na sablay siya sa inakto sa kanilang show kay Karylle.

At nag-tweet din si Kuya Kim at inilarawan si Karylle na kind soul na hindi magagawang magsabi ng negatibong komento sa iba.

Tila hindi ito nagustuhan ni Vice. Kaya nga nagawa niyang paringgan si Kuya Kim.

Sabi ni Vice: “Tapos maraming magla-like-like para involved sila.

“Yes, trending din siya. Nakuha niya ‘yung gusto niya.

“Ikaw talaga Kuya.”

Obvious na ang tinatawag na kuya ni Vice ay si Kuya Kim.

Sa panayam ng Pep.phkay Kuya Kim, hiningan siya ng comment tungkol sa pagpapasaring sa kanya ni Vice.

Ayon kay Kuya Kim, huwag na raw sanang palakihin ang isyu, dahil okey na naman silang dalawa ng binansagang Unkavogable Star.

Sabi ni Kuya Kim, “Vice and I are friends, magkaibigan kami. Misunderstood lang siguro.

“In social media, it’s very easy to misunderstand a certain post and they put a lot of meaning to things that don’t have meaning.

“Ano lang naman ‘yun, parang wala lang.”

Nang tanungin kung nag-usap sila ni Vice, sabi ni Kuya Kim, “Nag-usap kami, oo. Wala na ‘yun, huwag na lang palakihin,” sagot ni Kuya Kim.

At least, okey naman pala sina Vice at Kuya Kim.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …