Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joseph Marco Hanford

Joseph Marco inatake ng anxiety at stress bago naipost ang underwear pictorial

MA at PA
ni Rommel Placente

BAGO pala tinanggap ni Joseph Marco na maging endorser ng isang underwear brand, ay nagpaalam muna siya sa kanyang mga magulang.

Kahit 34 na ang aktor, kinailangan pa rin niyang hingin ang blessing ng parents para sa nasabing endorsement na gumawa ng ingay kamakailan sa social media. Ito ay dahil sa kanyang pabukol at pabakat sa kanyang pictorial na ipinost niya sa kanyang IG account, na ikinaloka ng mga bading na nagpapantasya sa kanya.

Sabi ni Marco, “I am really glad na pinayagan ako ng parents ko to do an underwear endorsement kasi first time ko ‘yon. Mabuti nga, pumayag sila. When it comes to rebranding, I think it’s very important to everybody.

“Hindi lang sa mga artista, even to musicians, other artists and brands itself, kailangan talaga ng rebranding. Wala naman kaming pinlano, it just happened,” aniya pa.

Sabi pa ni Marco, inatake siya ng anxiety at stress bago niya ibinandera sa social media ang kanyang underwear  pictorial.

“To be honest, I was so stressed before I posted that. I was very anxious. Kasi I was in New Zealand at that time and I had to post it because it’s gonna be the launching of the new endorser.

“I was just happy na okay naman ‘yung naging result,” sabi pa ng binata.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …