Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arjo Atayde Maine Mendoza

Arjo mas lalong minahal si Maine

MA at PA
ni Rommel Placente

SA pakikipag-usap namin kay Arjo Atayde, kinuha namin ang reaksiyon niya sa hindi mamatay-matay na fake news na ikinasal umano noon ang fianceé niyang si Maine Mendoza sa dati nitong ka-loveteam na si Alden Richards.

Mid-2018 pa nang mabuwag ang AlDub, ang sikat na tambalan nina Alden at Maine o Yaya Dub. Pero hanggang ngayon ay may mga nagpapakilalang AlDub fans na nagpapakalat ng maling impormasyon tungkol kina Maine at Alden sa social media.

Sabi ni Arjo sa marriage rumor kina Maine at Alden, “Wala na akong pakialam diyan. Ang dami kong problema sa District One, ‘di ko na iyan pinapansin. So much better things to do, and life is moving on.

“We’re growing together, that’s the most important thing to me.”

Aminado si Arjo na excited siya sa nalalapit nilang kasal ni Maine. Pero ayaw pa muna niyang magbigay ng detalye tungkol dito.

We want it to be personal, the wedding. Pero ‘yun, definitely we’re getting married, I’m very excited. I can’t wait to marry her.

“I think we’re growing together. I’m enjoying the journey.”

May nagbago ba simula nang ma-engage sila?

Sagot ni Arjo, “’Di naman sa pinagbago, I love her and I love her more. I just enjoy the journey with her.

“I can’t explain, eh. There’s no perfect explanation to that. Every day is a different day with her.

“But definitely we’re stuck together, and I am enjoying it.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …