Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ms Glenda Brilliant Skin Essentials

Brilliant Skin lady boss mamimigay ng kotse at motorsiklo 

MATABIL
ni John Fontanilla

GAGANAPIN sa February 7 sa Smart  Araneta  Coliseum ang most brilliant concert ng 2023. Ito ang magsisilbing comeback concert ng Brilliant Inc., sa pangunguna ng CEO at lady boss na si Ms Glenda.

Ito nga ang magsisilbing #PINAKAMAKINANG sa mga concert na lalabas ngayong taon.

Ilan sa magiging performers sina Alden Richards, Jona, Morissette, Adie, Mayonnaise, Kamikazee, Drag Queens, at ang Pop Rock Icon na si Bamboo.

Makakasama rin sa concert ang mga Brilliant Skin ambassors na sina Seth Fedelin, Zeinab Harake, Jillian Ward, at Andrea Brilliantes. Habang magsisilbing host sina 2020 Miss Universe Philippines Rabiya Mateo at ang mga komedyanteng sina MC at Lassy at si Sam YG.

Magiging special guest sina veteran broadcast journalists at TV personalities na sina Ms. Korina Sanchez at ang Idol ng Bayan na si Senator Raffy Tulfo.

Ang #PINAKAMAKINANG concert ay pasasalamat ng kompanya sa kanilang Brilliant Skin Essentials loyal user, friends, ressellers, distributors at franchisees, para sa kanilang suporta sa kanilang lumalaking pamilya. Importante ring malaman ang lahat na ang concert na ito ay LIBRE para sa kanila.

At bukod sa mga pasabog na performances, isang maagang pa-birthday din ito para kay Ms Glenda na magdiriwang ng kaarawan sa February 14.

Kaya bilang regalo sa mga manonood sa Araneta Coliseum, kung susuwertehin puwedeng mapanalunan ang isa sa 10 Yamaha Mio motorcycles, o kung hindi naman, baka ikaw na ang magda-drive pauwi ng alinman sa dalawang brand new cars na ipamimigay. Pero malay mo, mas marami pang sorpresa ang ipamigay sa araw ng concert.

Ang Brilliant Skin Essentials ay hindi lang nakasentro sa kanilang produkto, tumutulong din sila sa mga kababayan nating nangangailangan at mga nasalanta ng kalamidad, sa pamamagitan ng kanilang charitable organization na BRILLIANT LOVE.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …