Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
LA Santos

LA Santos kaabang-abang ang proyekto kasama si Maricel Soriano

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

TUWANG-TUWA si LA Santos nang tanggapin niya ang Best New Male Artist trophy sa 35th Star Awards for TV noong Sabado, January 28 sa Winford Manila Resort and Casino. 

Isang malaking hamon ito para sa kanya na lalong pag-ibayuhin ang talent niya bilang aktor. Kasalukuyan siyang nasa cast ng Darna na nalalapit na ang pagtatapos. 

Ayon nga kay LA ay mami-miss niya si Janella Salvador sa napipintong pagtatapos ng Darna. Although ultimate crush niya si Janela ay ikinokonsidera niyang parang isang kapatid. 

Sa edad na 23 ay marami na rin naman siyang natutunan sa mundo ng showbiz kahit nanggaling ito sa buena pamilya.

Sa aming pakikipagchikahan kay LA, ramdam na ramdam namin ang pagiging humble at handang makipagchikahan sa kahit anong klaseng tao at ‘yan ang isa sa karakter ng pagiging matagumpay na artista na handang harapin ang mga tao from all walks of life. Isang taong napaka-cheerful at totoong taong walang halong kaplastikan. Malaking factor din ang mga magulang na gumabay at tamang pagpapalaki ng anak. 

Kaya saludo kami sa kanyang Mommy Flor na laging nasa likod ni LA. Malayo ang mararating ng batang ito.

May gagawing movie si LA with Maricel Soriano pero ‘di pa puwedeng isiwalat ang details nito.  

Sobrang happy si LA nang kamakailan ay nagdiwang ng kanyang kaarawan. Dumating kasi si Maricel na isang malaking artista para kay LA. Sabi nga ni LA, ano pa ba ang mahihiling niya. Kaya marami tayong aabangan kay LA sa larangan ng showbiz. Aabangan din namin ‘yan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …