Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mga Lihim ni Urduja

Teaser ng Mga Lihim ni Urduja trending

RATED R
ni Rommel Gonzales

USAP-USAPAN at umani ng papuri mula sa netizens ang unang pasilip sa mythical mega serye ng GMA Network, ang Mga Lihim ni Urduja.

Inilabas nitong January 31 ang teaser sa social media accounts ng GMA Drama. Kitang-kita ang ganda ng visuals, kakaibang kuwento, at star-studded cast na pinangungunahan ng Encantadia Sang’gres na sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia, at Sanya Lopez.

Iikot ang istorya nito sa paghahanap nina Crystal (Gabbi) at Gem (Kylie) sa mga nawawalang hiyas na pinaniniwalaang pag-aari ni Hara Urduja (Sanya).

May libo-libong views na ang nasabing teaser in less than 24 hours. Marami rin ang nagsabi na mala-foreign series ang quality nito. Say ng ilang netizens, “Lakas maka-Alice in Borderland! Gandaaa astig talaga ng GMA! Naglevel-up na talaga ang GMA! Iba talaga sobrang napakalayo na ng mga nagagawa nila.”

Bukod sa reunion nina Kylie, Gabbi, at Sanya, dapat ding tutukan sa serye ang pagsasama-sama nina Arra San Agustin, Michelle Dee, Kristoffer Martin, Vin Abrenica, Pancho Magno, Jeric Gonzales, Rochelle Pangilinan, at Zoren Legaspi.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …