Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cassy Legaspi Darren Espanto

Cassy aminadong boyfriend material si Darren

MA at PA
ni Rommel Placente

MAGKAIBIGAN nga lang ba sina Cassy Legaspi at Darren Espanto kahit na madalas silang magkasama at dinadalaw pa ng huli ang una sa bahay nito?

Maraming nagsasabi na may namumuo nang relasyon sa dalawa, pero ayon kay Cassy nang makausap namin siya sa mediacon ng pelikula nilang Ako Si Ninoy, “Hindi ko ma-explain, eh, it’s hard to explain din, eh. Pero alam namin ni Darren na we’re super, super close, we’re very special to each other.

“Parang he’s my best friend, I’m his best friend…”

Dahil consistent na best friend ang sinasabi ni Cassy sa relasyon nila ni Darren, bukas ba siya na maaaring mauwi ito sa totohanang relasyon at maging sila sa huli?

I guess, as of now kasi—legit answer ito as in—I’m very focused sa career ko kasi I feel lang I’m just starting it.

“Ito ‘yung first movie ko, first musical and all of that, so I want to focus sa career ko.

“I wanna build myself first before mag-level up sa ganoon. We’re just enjoying each other’s company so much na we don’t wanna think about anything else.”

Aminado naman si Cassy na boyfriend material si Darren.

I can say yes. Very, very selfless, very caring siya. And he really puts others before himself. That’s what I really like about him.

“And he’s a gentleman too,” paglalarawan ni Cassy sa Kapamilya singer.

Dahil wala pa silang pormal na relasyon, paano kung manligaw si Darren sa iba?

Sagot ni Cassy, “Siguro it’s not really my place to decide kung ano ang gusto niyang gawin sa buhay niya. Gusto ko kung masaya siya, masaya rin ako.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …