Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cesar Montano Sunshine Cruz Kath Angeles Diego Loyzaga

Sunshine sa pagiging ok nila ni Cesar — Kahit anong lalim ng sugat, naghi-heal din

MA at PA
ni Rommel Placente

NAKATUTUWANG malaman na in good terms na ngayon ang dating mag-asawang Sunshine Cruz at Cesar Montano.

Kinompirma ni Sunshine sa isang interview, na maayos ang relasyon niya kay Cesar, at sa partner ng aktor na si Kath Angeles.

Katunayan, sama-sama pa sila at mga anak nila na nagdiwang ng Bagong Taon sa Bohol.

Sa tanong kay Sunshine kung  paano nga ba naging posible ang magandang relasyon nila ngayon ni Cesar, ang sagot niya, “Siguro because it’s been almost ten years ng separation namin. At kahit na anong lalim naman ‘yan, kapag nasugatan ka, naghi-heal, ‘di ba?

“So I think, in God’s perfect time, nag-heal kami pareho, and nakita namin na naging maligaya ang mga anak namin noong magkaroon ng relationship.”

Ayon pa kay Sunshine, nagsimula na maging okey na sila ng dating mister last year.

“It just started last year, 2022 na nagkaroon ng forgiveness and mismong ang mga anak ko nga, sa interview, sinasabi nila na ‘yung peace sa puso nila, nabuo nong nagkaroon sila ng relationship with their dad.

“And bilang mom, who am I not to be happy sa nangyari?”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …