Friday , November 22 2024
Aneeza Gutierrez Glydel Mercado JD Domagoso

Glydel muntik nang mamatay dahil sa kulam

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SEKSING-SEKSI kami kay Glydel Mercado nang makita ito sa presccon ng launching movie ng anak ni Yorme Isko Moreno, si Joaquin Domagoso, ang pelikulang That Boy In The Dark.  Pero may istorya pala ang pagiging payat ng aktres na akala nami’y on diet siya dahil karamihan ng artista ay ganoon para hindi mataba ang hitsura sa telebisyon.

May istorya pala ang pagiging payat ni Glydel. Ipinakulam pala siya na kung hindi naagapan, posibleng ikamatay niya.

Sa pakikipagkuwentuhan sa aktres na kasama rin sa That Boy In The Dark, nasabi nitong may panahong hindi siya makakain kaya naging ganoon ang kanyang katawan. Tumaba-taba na nga raw siya ngayon.

Ani Glydel, namayat siya nang bonggang-bongga dahil hindi siya nakakakain nang maayos mula nang mawalan siya nang gana nitong mga nakaraang buwan.

Nagpakonsulta agad siya sa espeyalista para malaman kung ano ang problema sa kanyang kalusugan pero ang sabi ng mga doktor base sa mga resulta ng kanyang medical test ay okay naman siya. Wala siyang diperensiya.

Makita ko lang ‘yung pagkain, nasusuka na talaga ako,” panimula ni Glydel. “Hindi ko maintindihan kung bakit basta ganoon ang pakiramdam ko. Hindi naman iyon anorexia, basta iba siya.

“Kaya ipina-check-up agad ako ni Tonton,” pagbabahagi ni Glydel. 

Ilang araw siyang ganoon hanggang unti-unti na ngang nalaglag ang kanyang katawan hanggang sa magkaroon na siya ng palpitation, anxiety attacks, at fear of food.

Naging 90 pounds na lang nga ang timbang niya at wala pa ring ganang kumain kaya nagdesisyon sila ng asawang si Tonton na magpatingin sa albularyo.

At ayon sa nagtawas sa kanya, may dalawang taong nasa likod ng pagpapahirap sa kanya at isa raw dito ay kamag-anak niya.  

Ani Glydel, ang tinutukoy ng albularyo ay ang kaanak niya na hindi niya napagbigyan nang humiling ito ng tulong sa kanya. 

“After taping for the series ‘Artikulo/247’ noong January, nagkaroon ako ng palpitation, anxiety attacks at fear of food. Kapag sinasabing kakain na, nanginginig na ako tapos umiiyak ako habang kumakain.

“Nagpa-executive check-up ako kasi sabi ko kay Ton iba na ang nararamdaman ko. Three days ako na-confine sa hospital. Lahat ginawa sa akin at okay daw ako.

“Sabi ko, ‘Doc hindi puwedeng okay kasi may nararamdaman ako.’ Ang ginawa nila pinabalik ako sa Psychiatrist ko. After ng doctor, nagpatawas ako. Naniniwala kasi ako sa tawas,” ani Glydel.

“After one week, may palpitation na ako during the taping. In May after ma-confine, pagkagising palpitate agad ako. So nagpatawas agad ako. Sila ang lumabas at dalawa sila. Nagpatulong daw sila sa isang matabang babae na hindi ko maintindihan.

“Every Tuesday and Friday ang session namin noon so naka-red ako. May pangkontra ako sa bulsa. Ganoon pa rin nanginginig ako. Then parang nakausap ng albularyo ko at ang gusto nila buhay ko ang kapalit.

“Oh my God! Buong buhay ko tinulungan ko sila tapos ganoon ang gusto nilang gawin sa akin? Hindi talaga ako makapaniwala noong una na sila ‘yun.

“Seven Fridays and seven Tuesdays ‘yun. Noong last Friday ko, tapos na lahat ang rituals, nagulat ako noong November, namatay siya (kaanak).

“Ipinagdasal ko pa rin siya dahil kamag-anak ko siya. Ang ginawa kasi ng albularyo ko, ibinalik sa kanila.

“Sabi ko naman noon ayokong ibalik, gusto ko lang gumaling. Eh, nagalit ‘yung albularyo ko kasi lumalaban daw. Gusto nila talaga akong mamatay. After that, bigla na lang akong ginanahan kumain. Parang nagdahilan lang talaga,” kuwento ni Glydel.

“So, inalam namin paano namatay. Ang sabi kumain lang daw, natulog tapos hindi na nagising. Sabi ko at least hindi siya nahirapan.

“Noong buhay pa ang daddy ko, tinulungan sila noon, mga 12 years old pa lang ako noon. Tapos noong namatay ang daddy ko, iniwan nila kami. Bumalik sila noong artista na ako kasi siguro alam nila may pera na ako.

“Talagang affected ako noon at hindi ako tumanggap ng trabaho for nine months. Sabi nga noong doctor, ang taas na ng ibinibigay na dosage sa akin bakit walang epekto?

“Si Tonton sinamahan niya ako sa ospital, doon din siya natulog. Naniniwala kami sa tawas kasi kapag ‘yung mga anak namin may nararamdaman, ipinatatawas din namin. Kaya ang daming nagtataka bakit daw ako ganoon kapayat.

“Sa ngayon okay na okay na. Simula noong November, healed na ako. Okay na ako,” sabi pa ni Glydel.

Samantala, mapapanood si Glydel sa That Boy In The Dark, isang suspense drama movie na showing na sa mga sinehan simula sa January 8. Kasama rin niya rito ang anak nila ni Tonton Gutierrez na si Aneeza Gutierrez. Idinirehe ito ni Adolf Alix Jr. mula sa panulat ni Gina Marissa Tagasa at handog ng BMW8 Productions. 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …