Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Daniel Fernando
Daniel Fernando

Gov Daniel pinuputakte pa rin ng sexy movies

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

MATAPOS ang lagpas tatlong taon dahil sa pandemic ay muli kaming nakabisita sa Gobernador ng Bulacan na si Daniel Fernando na muling iniluklok ng mga taga-Bulacan at ang bagong Bise Gobernador na si Alex Castro. Sa gitna ng pagiging abala ay mainit kaming tinanggap ni Gov Daniel  at buong pananabik na nakipagkuwentuhan sa amin.

Kahit na busy sa serbisyo publiko ay ang kapakanan ng showbiz industry ang nasa isip niya. Ang pangarap niya ay muling ibalik ang sigla ng showbiz industry. Noong isang linggo ay dumalaw siya sa probinsiya ng butihing Senadora Imee Marcos para magbigay tulong sa mga nangangailangang mamamayan ng Bulacan. 

Napag-usapan din nila ang estado ng showbiz industry at kaya nagpo-produce ng pelikula ang senadora gaya ng Maid In Malacanang ay para makatulong sa mga taong nagtatrabaho sa showbiz at ibalik ang sigla ng mga sinehan dito sa ating bansa.

Sa kasalukuyan, may kasunod nang ginagawa na panibagong pelikula after Maid In Malacanang. Iniisip din ng senadora kung paano bubuhayin muli ang Manila Film Center. Si Gov Daniel din ay may planong gumawa ng malaking action film pero nagmamatyag pa siya sa development ng film Industry. 

Marami nang lumalapit sa kanya para gumawa ng mga indie at sexy movies na tinanggihan niya. Maski mga supporting role sa mga teleserye na marami nag-aalok ay tinanggihan din niya. 

Lead at makabuluhang role ang gusto niya. May mga actor na lumalapit sa kanya na hinihingan siya ng tulong. Nalulungkot siya na isa-isa nang nawawala ang mga magagaling at batikang artista at kaya kailangan din nga naman maghubog ng mga bagong artista.

Kaya natutuwa kami sa mga plano ng butihing gobernador ng Bulacan. Pinapunta rin ni Gov Daniel si Vice Gov Alex na noon ay nasa basketball tournament sa Malolos at agad naman dumating kasama ang misis na si Sunshine Garcia

Gaya ni Gov Daniel ay masipag na nagsisilbi ng maayos sa Bulacan si VG Alex sa guidance ni Gov Daniel. Ngayon lang nangyari sa kasaysayan ng Bulacan na parehong artista at magkapartido ang tandem na ito. Kaya may kooperasyon ang bawat isa sa ikauunlad ng Bulacan.

Si Gov Daniel ay single pa bagamat may karelasyon pero secret daw. 

Siyanga pala napanood niya ang remake ng Scorpio Nights pero mas maganda pa rin ang orig na pinagtambalan nila ni Anna Marie Gutierrez na ngayon ay namumuhay ng normal sa New York.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …