Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kris Aquino Darryl Yap Cristy Fermin

Cristy sa patama ni Kris kay Darryl — Ikaw ang umimbento ng katapat mo

MA at PA
ni Rommel Placente

NAGBIGAY ng komento si Cristy Fermin patungkol sa naging birthday greeting ni Kris Aquino sa kanyang kanyang yumaong ama na si dating Sen. Ninoy Aquino na ipinost niya sa kanyang Instagram account.

Sa kanyang YouTube channel na Showbiz Now Na, sinabi ni Tita Cristy  na tila hindi lang basta birthday greeting ang ginawa ni Kris para sa ama kundi pagpapatama rin sa bagong pelikula na ginagawa ni Darryl Yap na Martyr or Murderer.

Sabi ni Cristy, “Ok lang naman po ‘yun eh, wala namang masama. Okay lang naman nating alalahanin ang mahal sa buhay na namayapa pagdating ng kanilang kaarawan.

“Pero ang hindi po nagustuhan ng mga kababayan natin, lalo na ng kanyang mga basher ‘yung itinuloy po niya, may segue po ‘yun tungkol sa parang pagkontra sa pelikulang ginagawa ni Direk Daryl Yap, ang ‘Matryr or Murderer.”

Dagdag pa niya, “Kaya ito pong IG post niya bilang pagbati sa kanyang ama, hindi po ‘yun ‘yung sinasabi ng ating mga kababayan na totoong dahilan bakit niya binati ang kanyang tatay kundi para pasinungalingan agad-agad ‘yung sa Pebrero pa lang ipalalabas na pelikulang ‘Martyr o Murderer.’”

Sa tingin ni tita Cristy, mukhang makahahanap ng katapat ang Queen of All Media dahil tiyak papalagan siya ni Daryl.

“Siyempre, si Direk Daryl Yap pa ba ang hinamon ni Kris. Aba’y kung hindi ka nakahanap ng katapat sa mga nakaraang panahon, palagay ko ikaw ang umimbento ng katapat mo ngayon kay Direk Daryl Yap. Papatulan ka niya.

“Ngayon pa lang, aware na kasi siya na ‘yun ang tatakbuhin nitong pelikulang ito eh na baka mamaya, mabago. Baka nga naman malagay sa alanganin ang kanyang ama. Kaya ngayon pa lang, pinoprograma na niya ang isip ng mga kababayan natin na hindi pwedeng palitan ang nakaraan,” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …