Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
RDF geocycle Holcim Angono Rizal

Sa Angono, Rizal
BASURA GINAMIT BILANG GASOLINA

KASALUKUYANG gamit ng lokal na pamahalaan ng Angono, sa lalawigan ng Rizal, ang modernong teknolohiya na refused derived fuel (RDF) geocycle/Holcim na binabago ang natitirang basura na ginagamit nila sa paggawa ng semento.

Samantala, ang ibang uri ng basura ay muling nagagamit o inire-recycle at nagagamit sa ibang proyekto at programa ng lokal na pamahalaan na pinagkakakitaan ng mga taga-Angono.

Ayon kay Mayor Jeri Mae Calderon, alkalde ng Kapitolyo ng Sining sa Filipinas, ang baybayin ng lawa sa naturang bayan ay lumilikha ng 1,380 tonelada ng basura kada buwan o katumbas na P3.84 milyon kapag nai-recyle na.

Aniya, mula nang simulan ng lokal na pamahalaan ang pagpapatakbo ng Residual Containment Facility (RCF), nakatipid ang munisipyo sa gastos ng paghakot ng basura ng 34.160 tonelada patungo sa Engineered Landfill sa Morong, Rizal.

Nabatid na walong truck ng basura kada araw ang nahahakot at bawat truck ng basura ay binabayaran ng P16,000 ayon kay Alan Bitong Maniaol, acting chief ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO).

Dagdag ni Maniaol, hindi limitado ang solid waste management sa pagkolekta kahit umano umabot sa 34.160 tonelada ng basura kada buwan.

Aniya, karamihan sa residual waste ay kinukuha ng Geocycle ng Holcim o refused derived fuel. (EDWIN MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …