Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Richard Ricky Recto

May tama ng bala at nangangamoy na
EX-BATANGAS GOV., NATAGPUANG PATAY, SA KANYANG BAHAY

MAY tama ng bala at nangangamoy na nang matuklasan ng anak, pulis, at mga opisyal ng barangay ang walang buhay na katawan ni Richard “Ricky” Recto, 59 anyos, dating bise-gobernador ng lalawigan ng Batangas, nitong Lunes ng hapon, 5 Disyembre, sa lungsod ng Pasig.

Ayon sa ulat, humingi ng saklolo sa pamamagitan ng Viber si Raina Recto, dakong 5:00 pm kahapon sa Pasig CPS Sub-Station upang samahan silang pasukin ang silid ng kanyang ama.

Natuklasan ang bangkay ni Recto na nakaupo sa Lazyboy massage chair, may unan sa dibdib at hawak ang baril sa loob ng master bedroom dakong 6:00 pm sa ikalawang palapag ng kanilang bahay sa Valle Verde 6, Brgy. Ugong, sa nabanggit na lungsod.

Kapatid ang dating bise gobernador ng kasalukuyang House Deputy Speaker Ralph Recto at ng artistang si Marie Roxanne “Plinky” Recto.

Paniwala ng mga awtoridad, ilang araw nang walang buhay si Recto dahil nangangamoy na ang kanyang katawan.

Matatandaang inaresto si Recto noong nakaraang Hulyo matapos magsampa ng kasong Violence Against Women and Children ang kanyang dating kasintahan laban sa kanya. (EDWIN MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …