Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carla Abellana Tom Rodriguez Rey PJ Abellana

PJ at Carla ‘di pa nagkaka-usap  simula nang magkaproblema

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

NAPANOOD namin noong Miyerkoles ng gabi ang magkapatid na PJ Abellana at Jojo Abellana para i-promote ang Mamasapano. Ikinuwento nila ang hirap ng pinagdaanan nila habang nagsusyutingna nakabilad sila ng matagal sa init ng araw at may mga hinimatay pa. Mabuti at nalagpasan nila ang hirap.

Hindi pala nakakausap ni PJ ang anak na si Carla Abellana simula nang nagka-problema ito sa asawang si Tom Rodriguez. Mabuti pa si Tom at dumalaw sa father in law. In-assure raw naman ni PJ si Tom na kinikilala niya bilang anak ito dahi kasal sa anak niya. 

Si PJ ay nandito lang naman at nakahandang pakinggan si Carla kung lalapitan siya para humingi ng payo. Alam kasi ni PJ na matatag si Carla at matalino. Bilang ama ay nasasaktan din si PJ sa pinagdaraanan ng anak pero hindi naman siya puwedeng makialam hanggang hindi humihingi ng payo ang anak.

Maski ang uncle na si Jojo ay naaawa at nag-aalala rin kay Carla. Minsan tinawagan   niya ito at okey naman daw si Carla. Closè ako at ang pamilya nina PJ at Jojo  dahil noong kasikatan ni PJ ay nakasama ko mga ‘yan na nakatira sa manager nila noong si Alfie Lorenzo sa Liberty Avenue sa Cubao.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …