Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Snooky Serna Maricel Soriano

Snooky puring-puri pagiging palaban ni Maricel

SA YouTube vlog ni Snooky Serna, na guest niya ang kaibigang si Maricel Soriano, ay sinariwa ng dalawa ang isang pangyayari noong nagsu-shooting sila ng pelikulang Schoolgirls mula sa Regal Films. Ito ang pelikulang pinagbidahan nilang tatlo ni Dina Bonnevie noong 1982 na mga teen-ager pa sila.

Habang nagsu-shooting sila ay may isang lalaking pinagtripan si Snooky.

Sabi ni Maricel, “Kay Kookie [Snooky] kasi, parang alam mo ‘yung niloloko kami.”

Ginaya ni Maricel ang tunog kapag nagtatawag ng aso.

Dugtong ng Diamond Star, “Ginagawa kaming aso. Naku, kinuha ko talaga ‘yung isang lalaki, hinatak ko siyang ganyan.

“Eh, anlaki niya, eh, hinatak ko siyang ganyan, in-uppercut ko talaga siya! O, ‘di nakatikim talaga siya.

“Sabi ko, ‘Wag mo kaming babastusin, ha! Naghahanapbuhay kami.’”

Sinegundahan ito ni Snooky: “Nananahamik kami bigla ba naman akong ginawang aso.

“Actually, hindi nga si Maricel ang inaano niyon, ‘di ba, ako?

“Siguro kasi akala kasi masyado bang sweetie-sweetie and everything, so mayroong [ginaya ni Snooky ang tunog sa pagtawag ng aso]…

“Hala, eh, ‘di, ginanun siya ni Diamond Star! Nanahimik siya.”

Papuri ni Snooky kay Maricel, “Iyan ang personality, iyan ang character ng isang Maricel Soriano, palaban.

“At saka talagang ipagtatanggol niya ang mga kasama niya sa trabaho, mga mahal niya sa buhay.

“Ganyan si Maricel, ang tapang.”

Sundot ni Maricel sa pangyayaring iyon, “Ayoko namang babastusin tayo kasi hindi naman tayo kabastos-bastos na mga tao.” (Rommel Placente)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …