Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carla Abellana Tom Rodriguez

Carla ibinunyag dahilan ng hiwalayan nila ni Tom

MA at PA
ni Rommel Placente

AYON kay Carla Abellana, hindi pa nagsi-sink in sa kanya na divorced na siya sa dating asawang si Tom Rodriquez, lalo  na’t hindi pa naman ito ipinatutupad sa Pililipnas.

Hindi pa. You know why? Because number one kasi, divorce doesn’t exist in the Philippines. ‘Di ba alam naman natin ‘yan, either legal separation lang ‘yan or nullity ng marriage,” sabi ni Carla sa interview sa kanya sa podcast na Updated with Nelson Canlas.

Patuloy niya, “So dahil ang foreign ng divorce at wala kasi sa atin, hindi pina-practice rito, hindi pa siya fully nagsi-sink in kasi sa ibang bansa pinrocess eh, it was processed in the United States na existing ang divorce. 

“Rito kasi hindi, of course iba ang ating legal system dito. So technically, kumbaga ‘yung mind ko, fully aware naman na, yes, divorce technically. Kumbaga when I go to the United States, divorced ako roon, single ako ulit, I am free, ‘yung ganoon.”

Para sa aktres, iba pa rin ang pakiramdam kung ganap na kinikilala na ang diborsiyo sa ating bansa.

I don’t know, maybe sa akin lang ‘yon, sa mind ko lang ‘yon. Pero kasi iba pa rin ‘yung sa atin ‘pag recognized na ng mismong local court natin, ng legal system natin. Iba pa rin ‘yung, ‘Okay, divorced ka roon, single ka na.’ Pero rito hindi, so hindi pa siya nag-si-sink in,” aniya.

Diretsahan ding sumagot si Carla na hindi iisang bagay lamang ang dahilan ng break-up nila ni Tom.

“I cannot answer that question kasi marami, marami pong dahilan. Hindi po mababaw, hindi po ganoon kadali, hindi po iisang bagay lang. Talagang maraming reasons as to why [we parted ways]. Marami naman talaga.”

Ayon pa kay Carla, hindi pa siya kinakausap ni Tom, na huli niyang nakita noong Pebrero. Nalaman din niya mula sa kanilang manager na lumipad patungong Amerika si Tom noong Marso.

But since then, walang phone calls, no text messages, nothing,” sabi ni Carla.

Since then, wala talaga ever since. So it’s been what..more than six months na walang ganoong communication. Dahil hindi na rin naging maganda ‘yung mga nangyari eh, seryoso na talaga and ibang usapan na, lawyers were already involved. Umabot sa point na ‘yung lawyers na lang ang nag-uusap.

“So definitely, no communication since February, March. So ang tagal na no anything. No phone calls from both ends — walang nag-re-reach out, walang tumatawag, walang nag-me-message, nothing.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …