Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rob Guinto Showroom

Rob Guinto tumodo sa hubaran at lovescene sa Showroom

MATABIL
ni John Fontanilla

INAMIN ng Vivamax star at isa sa lead actress ng pelikulang Showroom na si Rob Guinto na simula nang nagpa-sexy siya sa pelikula ay inulan na siya ng indecent proposals.

Pero deadma at hindi ito pinapansin ni Rob. Mas naka-focus siya sa kanyang trabaho bilang artista at walang balak mag-entertain nang sandamakmak na indecent proposals na natatanggap niya.

At sa pelikulang Showroom, tumodo nang husto si Rob sa pagpapa-sexy, kaya naman ‘di mabibitin ang mga kalalakihang manonood ng kanilang pelikula.

Dapat din abangan dito ang grabeng lovescene nila ni Kit Thompson.

Ilan sa nagawa ni Rob na pelikula sa Vivamax Originals ay ang Memories of a Love Story, An/Na, High on Sex, Virgin Forest, Bula,at Ex-Deal 2.

Sa Showroom ay ginagampanan nito ang role ni Susan na isang sales agent na nagbebenta ng condo units gamit ang katawan para makabenta.

Muka sa panulat ni Quinn Carillo na isa rin sa bida sa pelikula at sa direksiyon ng awardwinning director na si Carlo Obisto, hatid ng 3:16 Productions at ng Viva Films. Mapapanood worldwide sa Nov. 11 sa Vivamax.

Makakasama rin sa pelikula sina Alvaro Oteyza at Emilio Garcia.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …