Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tara Game, Agad Agad

Tara Game, Agad Agad Level Up, mapapanood na  

NGAYONG araw October 16, abangan ang mas pinabongga at pinagandang season ng pinaka-Tara Game, Agad Agad. Magbabalik bilang game master si Aga Muhlach

Ayon kay Aga, excited siya sa bagong season na ito.

Sa isang video, sinabi ni Aga, “I’m really excited for season 3. Alam niyo naman kung gaano ko kamahal ‘yung ‘Tara Game, Agad agad.’ It’s been my favorite since we started the show’.             

Maglalaban-laban ang apat na contestant hanggang sa isa na lamang ang makarating sa final round. Mag-uunahan sila na magkaroon ng points sa pamamagitan ng pagsagot sa iba’t ibang tanong. Makikita muna nila ang mga posibleng sagot at may pagkakataon silang sagutin ito o ipasa sa kalaban. At ang kakaiba sa season na ito? Kasama na rin sa kasiyahan ang mga taong nasa labas ng studio.

Dagdag pa ni Aga, “We’re also excited, kasi mas malaki ‘yung pa-premyo namin. So ‘yung P20, 000 mo, kapag umabot ka ng jackpot round, pwedeng umabot ng P180,000, may pagbabago din sa jackpot round, kaya abangan niyo dahil excited talaga ako sa season 3 and 4.”

Hindi nagtatapos ang sorpresa para sa TGAA Season 3. Dalawang co-host ang makakasama ni Aga– ang Filipino- Japanese social media star, Yukii Takahashi at ang ating favorite Brazilian actress and host, Daiana Menezes. Sila ang magbibigay saya sa publiko sa pamamagitan ng TGAA LEVEL UP games.  

Ayon kay Daiana, “Nasa remote area ako, may mga ini-interview ako, kailangan magtugma ‘yung sagot ng mga nasa studio sa mga ini-interview ko”.

Excited din siya na maging parte ng Tara Game, Agad agad: Level Up lalo na at makakasama niyaa si Aga at si Yukii, “sobrang natutuwa talaga ako, because passion ko talaga ‘yan. I’m really happy that NET25 is giving us this opportunity especially kasama ko roon si Aga Muhlach and i- welcome na rin natin (sa NET25) si Yukii na very talented”.

Nagpapasalamat naman si Yukii para sa oportunidad na ibinigay sa kanya. “I feel so happy and honored na part at pinagkatiwalaan ako ng NET25 to co- host with the one and only Aga Muhlach! It’s a Dream Come true to finally be part of a show,  na naconsider ako na mag co- host at  Regular Show sa NET25.”

Dagdag pa ni Daiana, “This new season, abangan nila because it’s more fun, more pa-premyo, humanda sila sa physical challenges at ‘yung segment ko na “Tara Fun”.

Sabi nga, ‘Agad-agad ang kasiyahan, Agad-agad ang papremyo” kaya naman siguruhin na manood ng TGAA Level Up tuwing linggo, 7:00 p.m.. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …