“IYAK ako nang iyak,” mensahe ng isang kasamahang editor ukol sa pelikula ni Baron Geisler, ang Doll House. Kaya hindi na kami magtataka kung number one ito sa Netflix Philippines sa loob lamang ng tatlong araw mula nang i-release ito sa naturang platform.
Ang pelikulang pinamahalaan ni Marla Ancheta at produce ng MAVX Productions ay nanatiling No. 1 movie locally.
“Pinahirapan tayo ni Halle Berry pero the Filipino audience has spoken again and again and again!” sambit ng MAVX Productions na ang tinutukoy ay ang maganda ring pelikula na pinagbibidahan ni Halle Berry, ang Kidnapna kasabay ding ini-release ngayong linggo.
“Taos puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng nanood ng aming pelikula, the Filipino audience is worth risking and you fuel our passion! You are the best audience in the world! Maraming salamat po!” sambit pa ng grupo ng MAVX.
Bukod kay Baron, tampok din sa Doll House sina Althea Ruedas, Mary Joy Apostol at marami pang iba.