Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
John Loyd Cruz Derek Ramsay Elias Modesto

JLC puring-puri si Derek sa pagpapalaki kay Elias

MA at PA
ni Rommel Placente

SA vlog ni Ogie Diaz na Showbiz Update, kasama si Mama Loi, ikinuwento niya na nakausap niya si John Loyd Cruz nang magkita sila sa 65th birthday party ni Direk Bobot Mortiz.

Ayon kay Ogie, sinabi niya kay Lloydie na ang gwapo-gwapo ng anak nila ni Ellen Adarna na si Elias kaya dagdagan na nila ito na ang ibig niyang sabihin ay mag-anak na ulit sila mula sa kani-kanilang karelasyon.

Pero ang sagot ni Lloydie sa kanya, “bahala na.”

Balik-tanong ni Ogie, na good thing ay okay sina Lloydie at Ellen pagdating kay Elias.

“Oo naman, kapag gusto kong hiramin ‘yung anak ko, nahihiram ko naman,” sagot ni Lloydie.

At dito na inamin ng aktor na magandang nandoon si Derek, “Kasi naiintindihan ako ni Derek (pareho silang may anak na lalaki) bilang tatay din siya. Ang ganda rin ng ginagawa ni Derek para sa anak ko. Four years-old palang ‘yan Ogie pero matured.

“So malaking bahagi rin si Derek kung bakit ‘yung anak niya ay lumalaking responsable at maraming alam na sports. Tinuturuan kasi ni Derek ‘yan di ba?” aniya.

Sabay pakita ng mga video na naglalaro ng golf sina Elias at Derek, nagka-camping by the beach.

Kita naman sa video kung ano-ano ang itinuturo ni Derek kay Elias kahit hindi niya ito kadugo at stepson niya.

“Sabi pa sa akin ni John Lloyd, ‘okay naman kami. Wala naman kaming problema ni Ellen basta pagdating kay Elias, co-parenting talaga kami at nadagdagan pa, mayroon pa siyang isang tatay, si Derek,” kuwento pa ni Ogie.

Singit naman ni Mama Loi, “Ang sweet ni Lloydie ‘no to acknowledge rin ‘yung role ni Derek kay Elias ‘nay ‘no?”

“Oo, sabi nga niya (JLC) sa akin, ‘kung hindi ganoon si Derek, eh, baka hindi ko alam kung ano ang ugali ngayon ni Elias.’ Kaya tingnan mo ‘yung bata, ‘di ba kahit saan siya magpunta sunod nang sunod,” ayon pa kay Ogie.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …