Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cecile Ongpauco Heart Evangelista Chiz Escudero

Hiwalayang Heart at Chiz nilinaw ni Mommy Cecile

MA at PA
ni Rommel Placente

“IT’S their private life so I am just praying for them. I know they will be OK!” ito ang sinabi ng ina ni Heart Evangelista kay Mario Dumaual nang makapanayam niya ito ukol sa kumakalat na balitang hiwalay na ang anak sa asawa nitong si Sen. Chiz Escudero.

Anang ina ng aktres na si Cecile Ongpauco,”I’ve known Chiz to be a mature and grounded person that’s why I am happy for my daughter.”

Nilinaw din ni Mommy Cecile na wala siyang alam kung may isyu nga ba kina Heart at Sen. Chiz.

“I have not spoken to anybody,” giit pa niya.

Ilang linggo na rin kasing usap-usapan sa apat na sulok ng showbiz, na tila may pinagdaraanan ang mag-asawang Heart at Sen. Chiz nang tanggalin ng aktres ang apelyidong Escudero sa kanyang Instagram handle.

Marami rin ang nakapansin na hindi na isinusuot ni Heart ang kanilang wedding ring.

At kamakailan ay naglabas ng vlog si Heart na tahasan niyang inamin na may pinagdaraanan siya, at in search siya ng real happiness.

Dahil dito, nag 1+1 ang mga Marites at inisip nga ng mga ito, na hiwalay na sina Heart at Sen. Chiz. Pero sana ay hindi ito totoo. Na may pinagdaraanan nga lang sana ang kanilang relasyon at hindi pa nagkakanya-kanya ng landas. Nakapanghihinayang kasi ang kanilang relasyon kung mauuwi rin ito sa wala.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …