Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Darren Espanto Cassy Legaspi

Darren-Cassy ‘di na maitago tunay na estado ng relasyon

MA at PA
ni Rommel Placente

KAHIT hindi pa umaamin sina Darren Espanto at Cassy Legaspi na may namamagitan na sa kanila, o may relasyon na sila, patuloy pa ring naniniwala ang mga tagahanga nila na sila na nga.

Base kasi sa kanilang tinginan at body language kapag magkasama sila, very obvious na talagang may something  na sa kanila.

Sa guesting nina Darren at Cassy sa Magandang Buhay, natanong si Darren tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Cassy at kung payag ba siyang makasama ang dalaga sa isang project pagdating ng panahon.

Sabi ng singer,  gustong-gusto talaga nila ni Cassy na magkaroon ng bonggang collaboration in the future.

Kami ni Cass we want to make a project kahit like kaming dalawa lang. Sa YouTube or something,” sey pa ni Darren.

At sa isang bahagi nga ng programa, diretsahan nang inusisa ang binata kung ano na ba talaga ang status ng relationship nila ng dalagang anak ni Carmina Villaroel.

Sagot ni Darren, “Kami po ni Cassy, we are very close. Best friends po kami so lahat talaga alam namin tungkol sa isa’t isa.

“At ang families namin ay parang sanay na parati kaming magkasama or lumalabas. Pero we aren’t taking anything serious din naman na masyado,” paliwanag pa niya.

O ‘di ba, deny pa rin si Darren?. Kahit nga si Zoren ay nadulas na sinabi niya na pumupunta sa bahay nila si Darren.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …