Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ice Seguerra

Ice nalimas ang pera, naloko ng kamag-anak

MA at PA
ni Rommel Placente

SA isang interview ni Ice Seguerra, ikinuwento niya na naubos dati ang savings niya nang dahil sa panloloko ng isang taong pinagkatiwalaan nila.

Nawala na lang parang bula ang perang kinita at pinaghirapan niya noong kasagsagan ng kanyang career bilang child star.

Sabi ni Ice, “Walang savings. Naloko kami. Hindi kami naloko sa business. But there was a time noon na nagpa-renovate kami ng bahay. Nagantso kami ng isang tao na akala namin kamag-anak.”

Patuloy niya, “We trusted this person so much. So we let the person handled the finances. Only to find out na nalimas na pala ‘yung pera sa banko. So that happened.”

Hindi na nila nabawi pa ang pera.

That time it was hard to recover na. I was a teenager so ‘yung mga napag-ipunan ko noong kabataan ko nadale. Noong teenager ako wala naman akong career but I never stopped working. Hindi nga ako nag-loveteam.

“It was a family thing na hindi naman kailangan i-broadcast pa. It’s in the past. While it was happening, it was one of my down moments.”

Nagtatrabaho naman that time ang daddy niya, pero feeling niya ay siya ang may mas malaking ambag sa mga gastusin sa pang-araw-araw nilang pangangailangan.

My dad was working naman pero feeling ko ako pa rin ‘yung nagbibigay ng mas malaki. So I felt the responsibility kung paano ko siya ma me-make both ends meet,” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …