Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Matteo sumabak sa PSG training program para sa First Family

KASALI na si Matteo Guidicelli sa magbibigay proteksiyon kay Pangulong Ferdinand Bong Bong Marcos. Ito’y matapos niyang sumabak sa Presidential Security Group (PSG) training program.

Ang TV host-actor at military reservist ay kasama sa Class 129 ng Very Important Person Protection Course (VIPPC) ng PSG. Nagsimula ang training ni Matteo noong Agosto 25 sa Malacañang Park sa Manila base na rin sa inilabas na ulat ng Philippine News Agency.

Sa mga larawang ibinahagi sa official Facebook page ng PSG, makikita ang aktor habang nasa training. Ibinahagi rin iyon ni Matteo sa kanyang Instagram stories na may caption na, “Ready for class.”  

Ang VIPPC training ni Matteo ay isang highly-specialized professional service course na ino-offer sa mga PSG trooper na dedicated para matiyak ang 360-degree protection ng presidente, ng kanyang immediate family, gayundin ng mga visiting heads of state o government.

Ilan pa sa mga bagay na pinag-aaralan sa  training ay marksmanship, close-in security, security task action group, combat, physical fitness, at field training exercises.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …