MA at PA
ni Rommel Placente
SA panayam pa rin ng Pep.phkay Vilma Santos, sinabi niyang proud siya sa pagkakahirang sa dati niyang kalaban sa popularity na si Nora Aunor bilang National Artist For Film.
Sabi ni Vilma, “Alam mo, kapag napunta sa iyo, which means para sa iyo, which makes you deserve it.
‘Kapag ibinigay kay mare ‘yung National Artist, she deserves it, lahat ng nabigyan para sa kanila ‘yun.
“Naniniwala ako sa kasabihan na ‘pag hindi para sa ‘yo, hindi para sa ‘yo. Pero ‘pag para sa ‘yo, para sa ‘yo ‘yun kahit ano ang mangyari.
“Mayroong oras ang bawat isa, ganoon lang ‘yun.”
Kung maraming Noranians ang nagbubunyi sa pagkakahirang kay Nora bilang National Artist, maraming Vilmanians ang naghihintay at umaasa na sa susunod, ay ang kanilang idolo naman ang makatatanggap ng National Artist award.
Tulad ni Nora, marami na rin kasing pinagbidahang mga dekalidad na pelikula si Vilma at naparangalan din ng hindi na mabilang na acting awards dahil sa husay nito sa pagganap. Gaya ni Nora, malaki rin ang kontribusyon ng mommy ni Luis Manzano sa showbiz industry.
Sabi naman ni Vilma tungkol dito, “Maraming salamat, pero alam mo, mahirap din ‘yung… Siyempre sino ba ang ‘di mag-aasam ng isa sa the most prestigious awards? Lahat siyempre.
“Kaya lang, na-psych ko naman ang sarili ko na there’s always time for everything. ‘Yun kasi ang motto ko, eh.
“Kaya minsan, ‘pag mayroon akong mga pelikula na hindi natutuloy, ‘Hindi sa akin meant iyan, baka para sa iba iyan.’ Iyan ang motto ko.
“Kaya open ako sa ganyan—‘pag ‘di mo nakuha, hindi para sa iyo,” katwiran pa ng Star For All Seasons.